Wednesday, July 29, 2009

P30M Premyo Nakataya sa 2009 Bakbakan Derby

Ang 2009 Annual Bakbakan National 10-Stag Derby ay muling nagbabalik sa pagtatala ng mga bagong rekord, nanang ang host nito, ang National Federation of Gamefowl Breeders (NFGB) ay maganunsiyo garantisadong premyo na P30,000,000 – pinakamalaki sa kasaysayan ng Philippine cockfighting.


Ang champion’s prize ay nakakalulang P15 milyon. Ang lahat ng maka-iskor ng 3 panalo o 3 puntos sa eliminasyon ay makikihati sa “first-salvo prize of four million-peso prize (P4,000,000)” samanatalang ang makaka-iskor ng perfektong 3 panalo sa eliminasyon na susndan ng 3 panalo sa semis ay maghahati sa “finalists-prize of two-million-pesos(P2,000,000)”. Noong nakaraang taon, 15 lamang ang nakagawa ng ganito.

Para sa makakapagposte ng “any 7 points” – P4 milyon; para sa “any 8 points” – P2.5 milyon; para sa “any 9 points” – P1.5 milyon; para sa overall runner-up nakataya ang P500,000, samatalang sa handler at mananari ng magkakampiyon na entry ay P400,000 at P100,000, ang nakalaan. Ang entry fee ay P15,000.

“Ang Bakbakan ang Filipino breeders' derby at sa nakaraang mga taon kami ay nakapaglatag ng subok na sistema upang masiguro na parehas ang labanan upang ang lahat ng kalahok ay magkaroon ng patas na tsansang manalo,” pahayag ni Batac, Ilocos Norte Mayor Jess Nalupta na siyang NFGB’s Vice President for North Luzon.

“Ang mga wingband numbers at ang pagkilala sa mga stags ay masusing nasusuri sa pamamagitan ng double checking sa aming rekord at hindi lamang ibinabase sa breeder’s screening receipt”, pagmamalki ni Freddie Yulo – isa sa mga nagtatag ng NFGB. "Lahat ng derby ay computer-matched at pinamamahalaan ng mga well trained working committee members" , dagdag pa niya.

No comments:

Post a Comment