Wednesday, July 29, 2009

NFGB TARGET ANG BAGONG REKORD SA 2009 BAKBAKAN DERBY


Sa 2,210 na manukan na nabisita sa buong bansa kung saan 202,708 na mga cockerels ay nakabitan ng wingband, ang National Federation of Gamefowl Breeders ay nagpahayag ng kompiyansa na madali nilang makukuha ang 2,000-entry target para sa 2009 Bakbakan 10-Stag national Derby dahil sa inaasahyang 2,210 entries na siguradong lalahok. Nakataya ang garantisadong premyo na P30 milyon kung saan ang entry fee ay P15,000.


“That is just assuming that each farm will field one entry for a 100 percent turn-out” pahayag ni NFGB President Ricoy Palmares, na nagreport din na noong 2008, may 2,203 ang lumahok mula sa 1,972 farms na naikutan para sa 120% na turn-out.
“Mukhang bagong record na naman ito”, dagdag ni Palmares.


Sa 29 na miyembrong samahan sa ilalim ng NFGB, ang Panay Gamefowl Breeders Ass’n ang nagtala ng pinakamaraming manukan na 210 at pinakamaraming na-band na manok - 19,719. Base sa mga manukan na nagpa-screen, pumapangalawa ang Batangas Breeders Club sa pamumuno ni NFGB Vice President for South Luzon Fred Katigbak na may 146 farms at 14,616 cockerels. Ikatlo naman ang 3-taon gulang pa lamang na Rizal Gamefowl Breeders Ass’n na may 144 farms at 13,473 manok na narehistro.

Ang kauna-unahang gamefowl breeders group sa bansa – ang Negros Gamefowl Breeders Association sa pangunguna ni dating La Carlota City Mayor Juancho Aguirre ay ikaapat - 132 farm, subalit 14,048 naman ang batang manok na bandingan, samnatalang ang grupo ni Al Garcia na Gamefowl Breeders Association of Negros ay ikalima sa pinakamarami - 127 farm at 14,000 manok-panabong.

Ang 2009 Bakbakan ay mag-uumpisa sa Oktubre 10 tampok ang magkakahiwalay na eliminasyon sa iba-ibang bahagi ng bansa , at magtatapos sa Disyembre 3 sa Araneta Coliseum kung saan magtutuos ang mga walang-talong entry para sa kampeonato.




No comments:

Post a Comment