3rd Press Release
P30M Bakbakan 2009 10-Stag National Derby
52 Elims; 18 Semis & 11 Finals
“A bird-war of epic proportion”, Joey Sy, ang may ngiting pahayag ni Joey Sy para ilarawan ang tindi ng parating na edisyon ng pinakamalaking taunang pasabong, hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo. Si Sy ang pangulo ng Rizal Gamefowl Breeders Association at siya rin Marketing Committee Chairman para 2009 Bakbakan.
May makasaysayang garantisadong premyo na P30 milyon, ang 2009 Bakbakan 10-Stag National Derby ay magsisimula sa Oktubre 10 sa opisyal na pagtataas ng kurtina ng Bakbakan sa pamamagitan ng pagratsada ng una sa 52 magkakahiwalay na eliminasyon na gaganapin sa San Juan Gymnasium, La Union sa pagitan ng mga kasapi ng La Union Gamefowl Breeders Association (LUGBA). Sundan ito ng mga eliminasyon sa bawat sulok ng bansa na nasasakupan ng 29 na member-associations sa ilalim ng National Federation of Gamefowl Breeders. Meron din mga magkahalo at mga pambansang eliminasyon.
Ang 18 3-stag semis ay magsisimula naman sa Nobyembre 7, kung saan tatlong magkakasabay na sultadahan ang gagawin sa R. Guanzon Sports Center sa Bacolod City sa pagitan ng mga taga- Negros Gamefowl Breeders Ass’n (NGBA) at ng Gamefowl Breeders Ass’n of Negros (GFBAN); sa Iloilo Coliseum para sa mga kasapi ng Panay Gamefowl Breeders Ass’n (PAGBA) at sa Batac Cockpit, Batac, Ilocos Norte para sa mga taga-United Ilocandia Gamefowl Breeders Ass’n (UNIGBA).
Ang 11-bahaging 4-stag finals ay papagitna simula sa Nobyembre 14, samantalang ang Grand Finals ay nakatakda sa Araneta Coliseum sa Disyembre 3, kung saan maghaharap ang laht ng kalahok na may iskor na 5.5 o 6 points para desiyunan kung kanino mapupunta ang P15 milyon na champion’s prize at ang prestihiyosong Bakbakan trophy.
Para sa karagdagan detalye at sa mga nais lumahok, bumisita lamang sa http://bakbakan2009.blogspot.com o kaya ay mag-email sa bakbakan2009@gmail.com
No comments:
Post a Comment